LRT-2, tuloy-tuloy ang serbisyo bukas sa araw ng Eid’l Fitr

LRT-2, tuloy-tuloy ang serbisyo bukas sa araw ng Eid’l Fitr

REGULAR operations pa rin ang ipatutupad ng Light Rail Transit Authority (LRTA) bukas ng Miyerkules, April 10 (Eid’l Fitr) para makapagserbisyo sa mga pasahero ng LRT-2 sa mga naturang araw.

Aalis ang unang tren ng 5:00AM sa Recto Station at Antipolo Station. Aalis naman ang huling tren sa Antipolo Station ng 9:00PM at 9:30PM sa Recto Station.

Samantala, aarangkada ang LIBRENG SAKAY sa LRT-2 sa lahat ng pasahero ngayong araw sa peak hours mula 𝟕:𝟎𝟎𝐀𝐌 hanggang𝟗:𝟎𝟎𝐀𝐌, at 𝟓:𝟎𝟎𝐏𝐌 hanggang 𝟕:𝟎𝟎𝐏𝐌.

Habang libreng makakasakay naman sa buong operasyon ng LRT-2 ang mga beterano hanggang sa April 11.

Ang libreng sakay sa LRT-2 ngayong Philippine Veterans’ Week at sa Araw ng Kagitingan ay tugon ng LRTA sa hiling ng Department of National Defense para kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano noong ikalawang digmaang pandaigdig.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter