BUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang 5-year franchise sa pagitan ng jeepney operators kaugnay sa PUV Modernization Program.
Sa kasalukuyan ay isang taon lang ang inaalok na provisional authority para sa mga jeep habang ang deadline ng consolidation process para sa public utility vehicle (PUV) ay hanggang Disyembre 31, 2023 lang.
Para sa grupong PISTON na nagsagawa ng transport strike kahapon, Nobyembre 20, iginiit nila na hindi pa napapanahon ang nasabing programa dahil hindi nila kakayanin ang gastos sa modern jeep lalo na at patuloy ang pagtaas-presyo ng bilihin at mga produktong petrolyo.
Nilinaw naman ng PISTON na hindi sila tutol sa Modernization program pero sana ay bigyan sila ng sapat na panahon o kaya tulong para makakuha ng iniaalok na modern jeepney.