LTFRB, hinimok ang commuters na gamitin ang Sakay.ph

HINIHIMOK ngayon ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang commuters na gamitin ang mobile application na Sakay.ph.

Ayon sa LTFRB, makatutulong ito upang mas mapadali ang paghahanap ng pampasaherong sasakyan bago pa man umalis ng bahay.

Sa pamamagitan ng Sakay.ph, maaring ma-track ng pasahero ang real-time location ng mga pampublikong sasakayan at malaman din ng commuter ang mga ruta na maaring daaanan upang mas mabilis na makarating sa kanilang destinasyon.

Maaari ring mag-iwan ng rating o komento ang pasahero sa driver ng kaniyang nasakyang public transport.

Sakop ng mobile app ang mga traditional public utility jeepneys, modern jeep at public utility buses.

Kabuuang 384 routes ang binabantayan ng Sakay.ph mula sa National Capital Region, Region 1 hanggang Region 12, CARAGA at Cordillera Administrative Region.

SMNI NEWS