LTFRB, mamimigay ng fuel subsidy kasunod ng mataas na oil price hike

LTFRB, mamimigay ng fuel subsidy kasunod ng mataas na oil price hike

MAMAHAGI ng fuel subsidy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Ito’y dahil sa halos P3 oil price hike ngayong linggo.

Ayon sa LTFRB, P10K ang ibibigay sa mga modern jeep at bus habang P6K sa mga consolidated na traditional jeep.

P1.5K naman ang ibibigay sa mga tricycle.

Kukunin ang pondo nito mula sa P2.5B na subsidiya sa ilalim ng 2024 national budget.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble