NANAWAGAN ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng tsuper ng pampublikong sasakyan na sundin ang mga batas na may kaugnayan sa gender-based sexual harassment.
Kasunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 2023-016 ng LTFRB Board na makatitiyak na walang sinumang pasahero ang makararanas ng harassment sa pagsakay sa mga PUV.
Hinimok naman ng ahensiya ang publiko na huwag mag-atubiling isumbong sa kanila sa oras makaranas ito ng pambabastos.
Maaaring maharap sa parusa ang pangha-harass tulad ng pagmumura, “catcalling”, malaswang komento, mga kilos na nangungutya base sa kasarian, mga pahayag na mapanakit at iba pa.
Para sa 1st offense, pagmumultahin ng P5,000 at 6 na buwan na suspensiyon ang sinumang mahuhuli.
Nasa P10,000 multa at 1 suspensiyon ng sasakyan naman ang ipapataw para sa ikalawang paglabag.
Habang P15,000 multa at pagbawi ng CPC ng sasakyan para sa ikatlong paglabag.
Mababatid na ang Republic Act 11313 o ang “Safe Spaces Act,” ay tugon upang labanan at bigyan ng karampatang parusa ang anumang “gender-based sexual harassment” sa mga lansangan, pampublikong lugar, online, lugar ng trabaho at iba pa.