LTFRB, nilinaw na tanging PUB at MPUJ Class 2 lang ang pinapayagan para sa pasaherong nakatayo

LTFRB, nilinaw na tanging PUB at MPUJ Class 2 lang ang pinapayagan para sa pasaherong nakatayo

PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga standing passengers sa loob ng ilang Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Pero, paglilinaw ng ahensya, tanging sa mga Public Utility Bus at Modern Public Utility Jeepney Class 2 ang pinayagan na magkaroon ng pasaherong base na rin sa Memorandum Circular No. 2022-070.

Kailangan din sundin ng mga drayber ang mga sumusunod, nasa 15 pasahero at one-person apart ang puwedeng nakatayo sa PUB.

Ang Coach-type PUB, ay nasa 10 ang maximum na standing passenger ang pinayagan habang nasa 5 naman sa MPUJ Class 2.

Ang naturang polisiya ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation (DOTr) upang magamit nang husto ang mga espasyo sa mga sumusunod na pampublikong sasakyan nang hindi labag sa public health safety protocols.

Pinapaalala naman ng LTFRB sa mga PUV driver at operator na laging sundin ang mga polisiya at alituntunin ng ahensya, kung saan ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa.

 

Follow SMNI News on Twitter