HINIMOK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga mananakay na mas mabuting magpareserba na ito agad ng ticket ng bus pauwi sa kani-kanilang probinsiya.
Ito ay sa posibleng magkaubusan ng ticket lalo’t nalalapit na ang Semana Santa.
Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Technical Division Head Joel Bolano na may sapat pang panahon para gawin ito upang makaiwas sa pakikipagsiksikan at paghihintay nang matagal sa mga terminal.
Sinabi ni Bolano na may 2 linggo pa ang nalalabi bago ang Semana Santa.
Mahirap aniya ang mag-chance passenger gayung walang katiyakan ang mga ito kung mayroon pang masasakyan.