LtGen. Bartolome Bacarro, umupo na bilang ika-58 Chief of Staff ng AFP

LtGen. Bartolome Bacarro, umupo na bilang ika-58 Chief of Staff ng AFP

PORMAL nang umupo si Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro bilang ika-58 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Pinalitan ni Bacarro si General Andres Centino na kanyang mistah sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang change of command ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos, inilarawan niya si Centino bilang isang tunay na makabayan, isang magiting na kawal, isang mahusay na opisyal, isang tapat na pinuno, at isang huwarang lingkod-bayan.

Umaasa naman ang commander-in-chief na tatatag pa ang AFP sa pamumuno ni Bacarro na isang medal of valor recipient na lumaban sa 150 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 10 oras na engkwentro sa Maconacon, Isabela.

Si Bacarro ay ang unang opisyal na itinalaga sa ilalim ng RA 11709, kung saan magkakaroon ito ng tatlong taong fixed tour of duty.

 

Follow SMNI News on Twitter