BIBILI ang Land Transportation Office (LTO) ng bagong breath analyzers.
Maliban sa layunin na mapalitan na ang mga luma, paraan na rin ito ng LTO para palakasin ang implementasyon ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Mahigit 700 (756) na breath analyzer units ang binili noong taong 2015 at 2017 ngunit ang 288 lang dito ang maaaring ayusin at mai-recalibrate.
Sa kasalukuyan, ang penalty ng drunk driving lalong-lalo na ang nagdo-droga ay aabot ng tatlong buwang pagkakakulong at multang P20,000 hanggang 20 taon na pagkakakulong at multang P500,000.