LTO chief, iginiit na walang sasantuhin sa pagpatutupad ng batas-trapiko

LTO chief, iginiit na walang sasantuhin sa pagpatutupad ng batas-trapiko

BINIGYANG-diin ng Land Transportation Office (LTO) chief na hindi sasantuhin ang sinumang lalabag sa batas-trapiko.

Ito ang pahayag ni LTO chief Teofilo Guadiz matapos ang pagkahuli ng isang pribadong sasakyan sa Silang, Cavite.

Patung-patong na kaso ang isinampa sa drayber ng isang pribadong sasakyan matapos mag-counterflow sa Silang, Cavitex na nagdulot ng pagbara sa daloy ng trapiko.

Iba’t ibang kaso at multa ang kinaharap ng drayber ng isang pribadong sasakyan na sinabayan pa ng isang motorsiklo na may mga sirena at blinker.

Ito ay matapos bigo sa pagsunod sa batas trapiko dahil sa pag-counterflow nito.

Ang pag counterflow ay nagdulot ng pagbara ng trapiko na lalong nagpahirap sa ibang mga motorista, partikular sa driver na kumuha ng nasabing video.

Ang nasabing video ay nag-trending online at umani ng samu’t saring batikos mula sa netizens.

Kasong Obstruction of Traffic at Reckless Driving ang isinampa kay Roi Vincent Toledo, ang driver ng itim na pribadong sasakyan sa nasabing video.

Pinagmulta naman ito ng kabuuang P3,000 para sa kanyang mga aksyon.

Habang ang motorcycle rider na si Michael Inocentes ay haharap sa kasong Administrative Violations of Reckless Driving, Failure to Attach Authorized Motor Vehicle License Plate, at paglabag dahil sa hindi pagdala ng OR/CR at pinatawan ng multang P8,000 para sa kanyang mga paglabag.

Napag-alaman din sa resolusyon na sina Inocentes at Toledo ay hindi tamang nag-operate ng kanilang mga  sasakyan at motor at dahil dito tuluyang ni-revoked ng LTO ang kanilang lisensya.

Kung saan, ito ay dinala sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO.

Samantala, muling umapela si LTO chief Teofilo Guadiz III sa publiko na respetuhin ang mga batas-trapiko at regulasyon ng bansa.

Binigyang-diin pa niya na hindi kukunsintihin ng ahensya ang sinumang lumalabag sa batas trapiko lalo’t nagdadala ito ng abala at nagbabanta sa kaligtasan ng mga motorista.

Mahigpit ding ilalapat ng LTO ang buong puwersa ng batas laban sa sinumang lalabag sa kanila anuman ang kanilang katayuan o posisyon sa lipunan, lalo na ang mga nagpapanggap bilang persons of authority.

Follow SMNI NEWS in Twitter