LTO, iba’t ibang grupo muling inihirit na gawing legal ang habal-habal sa bansa

LTO, iba’t ibang grupo muling inihirit na gawing legal ang habal-habal sa bansa

INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Director Attorney Alex Abaton na dapat nang maisalegal ang paggamit o pagsakay sa mga habal-habal.

Gusto ng LTO na gawin na itong alternative transportation ng mga commuter.

“Nakita natin how relevant ‘yung motorcycle taxi specially during the pandemic kasi halos lahat ng tao hindi na nga lumalabas during that time so even ‘yung kanilang simple marketing, ginagawa na po ‘yan through sa mga Grab or itong mga apps natin . Nitong nagpo-provide ng ganitong services,” pahayag ni Abaton.

Mayroon ng pilot study na ginawa dito ang LTO noong nakaraang administrasyon sa pamamagitan ng Joy Ride, Move It at Grab sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Pero kailangan na ng batas para maisalegal ang paggamit nito.

Matatandaan na hindi ito nailusot noong 18th Congress.

“Irere-file pa rin ‘yan but hindi na po dadaan ‘yan don sa tinatawag na committee deliberation. It just have to observe the protocol and then eventually it will be passed to the Senate. Senate na will have the ball on this but sa ‘tin naman, we welcome this development. Hopefully, akala nga natin maitatawid ang 18th Congress but nagkaroon ng snuck at alam naman natin na nagkaroon ng eleksyon at nagkaroon na rin po tayo ng bagong pamunuan sa ating gobyerno,” ayon kay Abaton.

Sabi rin nito na ang ibang mga bansa ay pinapayagan na ang mga motocycle taxi tulad ng Malaysia, Thailand, at iba pang bansa.

Si Primo Morillo ng Passenger Forum, humirit na may krisis pa rin ng transportasyon at napakahaba pa rin ng linya ng mga mananakay.

Solusyon aniya rito ay ang pagsasaligal ng mga habal-habal para may opsyon ang mga commuter.

Naniniwala din ito na makakatulong ng malaki sa kikitain ng gobyerno ang paggamit ng motorcycle taxi.

Naniniwala naman si Terry Ridon ng Infrawatch PH Convenor, na kailangan nang maisabatas ito para magkaroon ng tamang regulasyon para sa Joyride, Angkas at Move it.

“Make sure po tayo, ‘yung mga kababayan namin. ‘yung safety po nila, parehong maensure po natin. Lahat ng mga pumapasok ng mga gustong magtrabaho, in this sector ay talagang regulated. Kailangan ho talaga. Ang una hong gawin, instead na magbangayan ang mga kasali po dito sa pilot po na ito. Ang dapat pong ginagawa nila, isulong ho, magkaisa sila muna at isulong po nilang ‘yung pagsasabatas ng motorcycle taxi law,” ayon kay Ridon.

Hirit lang ng LTO na dapat masunod ang safeguards sa pagsakay sa habal-habal para iwas-disgrasya.

Follow SMNI News on Twitter