LTO, inalis na ang requirement na sumailalim sa periodic medical exam sa pagkuha ng driver’s license

LTO, inalis na ang requirement na sumailalim sa periodic medical exam sa pagkuha ng driver’s license

INALIS na ng Land Transportation Office (LTO) ang periodic medical exam para sa mga kukuha ng driver’s license na mayroong 5 at 10-year validity.

Ito’y kasunod ng direktiba ni LTO chief Jay Art Tugade na baguhin ang LTO Memorandum Circular 2021-2285  o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10930.

Sa ilalim kasi ng naturang memorandum, bukod sa regular na medical examination ay kailangan pang sumalang sa periodic medical exam ang mga kukuha ng driver’s license na mayroong 5 at 10-year validity.

Ayon kay Tugade, batay sa datos na nakalap ng ahensiya at sa mga pag-aaral at konsultasyon, hindi naman kabilang sa mga dahilan ng aksidente sa lansangan ang kabiguang sumalang sa periodic medical examination ng mga driver.

Sa ilalim ng pag-amyenda sa naturang memorandum ay isang beses na lang gagawin ang mandatory medical examination at gagawin ito bago makakuha o makapag-renew ng lisensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter