LTO, maaaring bigyang prayoridad ang OFWs para sa plastic driver’s license card

LTO, maaaring bigyang prayoridad ang OFWs para sa plastic driver’s license card

MAAARING bigyang prayoridad ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mabigyan ng plastic driver’s license card na kasalukuyang kinakapos ayon sa bagong officer-in-charge ng Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ni LTO officer-in-charge Hector Villacorta na sa ngayon, 53,000 na plastic cards lamang ang natitira para sa mga driver’s license.

Ani Villacorta, nagpulong na sila ng mga division chief at nirekomenda niyang unahin ang mga OFWs na kailangan ng totoong lisensiya upang maipresenta bilang legal na dokumento sa kanilang trabaho dahil sa baka hindi tanggapin ang papel na lisensiya na kasalukuyang ipinamamahagi ng LTO bilang temporary license.

Ipinaliwanag din ni Villacorta na hindi na sila magsisisihan dahil sa kakulangan ng plastic card at mamadaliin na lamang ng kanilang ahensiya ang pagkuha sa mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter