LTO, nagbabala sa mga motorista na may depektibong accessories

LTO, nagbabala sa mga motorista na may depektibong accessories

BINALAAN ng Land Transportation OfficeNational Capital Region (LTO-NCR) ang mga motorista na nagmamaneho ng sasakyan na may depektibong accessories.

Kasunod ito sa pagkahuli ng higit 7,000 motorista sa magkaibang operasyon ng ahensiya dahil sa paglabag sa mga batas trapiko.

Umabot na sa 837 katao ang natukoy na nagmamaneho ng mga sasakyang may mga depektibong accessory, kagamitan, at mga piyesa, na lumalabag sa mga probisyon ng Republic Act 4136.

Paliwanag ng LTO-NCR, ang pagmamaneho ng mga sasakyang hindi gumagana nang maayos ay maaaring magdulot ng iba’t ibang panganib.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter