LTO nagpakalat ng breath analyzers upang mapanatiling ligtas ang mga daanan ngayong Pasko

LTO nagpakalat ng breath analyzers upang mapanatiling ligtas ang mga daanan ngayong Pasko

NAGPAKALAT na ang Land Transportation Office (LTO) ng breath analyzers sa buong bansa upang mapanatiling ligtas ang mga daanan ngayong holiday season.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, magiging random ang inspeksiyon na gagawin nila sa mga motorista partikular na sa mga lugar na malalapit sa entertainment bars.

Ang sinumang motorista na makikitaan ng alcohol level na lagpas sa limit ay pagmumultahin o makukulong.

Mas mainam na lang ani Mendoza, sakaling pupunta sa mga party ay may nakatalagang driver para matiyak ang kaligtasan sa daan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble