LTO staff sa Samar, sinuspinde dahil sa umano’y iligal na rehistrasyon ng sasakyan

LTO staff sa Samar, sinuspinde dahil sa umano’y iligal na rehistrasyon ng sasakyan

SINIBAK pansamantala ng Land Transportation Office (LTO) ang isa sa mga empleyado nito sa Catbalogan District Office sa Samar matapos mapag-alamang sangkot umano ito sa iligal na vehicle ownership transfer.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, agad na ipinatupad ang 90-day preventive suspension habang iniimbestigahan ang reklamo na inihain noon pang Enero sa Ombudsman.

“Considering that your position affords you the opportunity to exert undue influence or pressure on potential witnesses and tamper with evidence, pending Formal Investigation, you are hereby placed under Preventive Suspension for a period of 90 days, effective immediately upon receipt hereof,” ayon kay Atty. Vigor Mendoza II.

Kabilang sa mga alegasyon laban sa empleyado ang gross neglect of duty at grave misconduct, matapos ireklamo ang umano’y peke at hindi dumaan sa tamang proseso na rehistrasyon ng isang sasakyan.

Paliwanag ni Mendoza, may awtoridad ang empleyado sa mga dokumento at transaksyon, kaya’t kailangan itong ihiwalay sa puwesto para maprotektahan ang integridad ng imbestigasyon.

“The case is under investigation and we assure the public that we will not tolerate this illegal activity — if it is true. We will ferret out the truth on this matter,” saad ni Atty. Mendoza II.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, naninindigan ang LTO na papanagutin ang sinumang mapapatunayang sangkot sa iregularidad—bilang bahagi ng kanilang malawakang kampanya laban sa katiwalian sa loob ng ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble