LTO, suportado ang imbestigasyon ng Senado sa nag-viral na road rage sa QC

LTO, suportado ang imbestigasyon ng Senado sa nag-viral na road rage sa QC

SUPORTADO ng Land Transportation Office (LTO) ang nakatakdang imbestigasyon ng Senado sa nag-viral na road rage incident sa Quezon City na kinasasangkutan ng isang dating pulis at isang siklista.

Sa pahayag ni LTO chief assistant Secretary Vigor Mendoza, mahalaga ang magiging ambag ng pagtalakay na gagawin ng Senado para malaman ng publiko ang mga bagay na dapat mapaunlad sa sektor ng transportasyon.

Binigyang-diin ni Mendoza na hindi dapat palampasin ang naturang insidente para ipaalala na mahalaga ang kaligtasan ng mga motorista at mananakay.

Matatandaan na naghain ng resolusyon sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Pia Cateyano para imbestigahan ang road rage na nag-viral sa social media.

Bukod sa Senado, isinulong din sa Kamara nina 1-Rider Party-list Representatives Bonifacio Bosita at Ramon Rodriguez ang imbestigasyon sa insidente.

Follow SMNI NEWS on Twitter