LTO, target ang zero backlog sa pag-iisyu ng driver’s license

LTO, target ang zero backlog sa pag-iisyu ng driver’s license

INIULAT ng Land Transportation Office (LTO) na napababa na ang bilang ng backlogs sa pag-iisyu ng driver’s license sa bansa.

Mula sa halos 300,000 na backlogs noong August 2022, bumaba na ito sa 92,000 noong November 2022.

Dahil dito ayon kay LTO chief Assistant Secretary Jay Art Tugade, target pa ng ahensya na makamit ang zero level sa backlog.

Ipinaliwanag naman ni Tugade ang dahilan ng delay at aniya, dahil sa depektibong laser engraving machines ito sa ilang LTO district at extension offices.

Bilang tugon, sinabi ng LTO chief na para makamit ang zero backlog, sesentro ang ahensya sa paggamit ng digital technology at tuluyang pag-alis sa korapsyon at red tape.

 

 

Follow SMNI News on Twitter