LTO, tinanggihan ang 4-M donasyong plastic cards para sa driver’s license

LTO, tinanggihan ang 4-M donasyong plastic cards para sa driver’s license

TINANGGIHAN ng Land Transportation Office (LTO) ang donasyong 4-M plastic cards para sa driver’s license mula sa Philippine Society of Medicine for Drivers.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza, II ayaw nila na libre ang cards dahil maaaring may mapapaburan sa naturang donasyon kahit pa na sinabi na ng donor na hindi sila humihingi ng anumang kapalit.

Kaugnay rito, sasangguni ang LTO sa Department of Transportation (DOTr) para gumawa ng guidelines hinggil sa pagtatanggap ng donasyon gaya ng plastic cards.

Sa kasalukuyan, nasa 2.6-M ang backlog ng LTO sa plastic license cards habang nangangailangan naman ng halos 6-M para ngayong taon.

Sa kabuuan, nasa mahigit 8-M ang kailangang plastic cards para sa driver’s license.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble