IPINAG-utos ng Land Transportation Office (LTO) na habulin ang colorum na public utility vehicles (PUVs) at mga choosy na taxi driver sa gitna ng holiday season.
Sa inihalimbawa ni LTO assistant sec. Vigor Mendoza, ilan sa taxi drivers ay nangongontrata at hindi nagpapasakay kung hindi papayag sa gusto nilang presyuhan.
Binigyang-diin ni Mendoza na paglabag ito ng kanilang prangkisa.
Kaugnay rito ay sinabi ni Mendoza na makikipagtulungan ang LTO sa Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) mall security managers para matutukan ang nabanggit na operasyon.