Luka Doncic ng Dallas, maglalaro para sa Slovenia sa 2024 Paris Games

Luka Doncic ng Dallas, maglalaro para sa Slovenia sa 2024 Paris Games

KASAMA na maglalaro para sa bansang Slovenia sa Paris Olympics si Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

Nilinaw lang ng basketbolista na nakadepende pa rin ang kaniyang paglalaro kung magiging okay na ang kaniyang knee issue.

Sa Greece ngayong Hulyo 2 gaganapin ang Olympic Qualifying Tournament at kung mananalo nga rito ang bansang sinilangan ni Luka ay tuloy na ang pagsabak nila sa Paris Games.

Ang Paris Games ay gaganapin sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Follow SMNI NEWS on Twitter