MAAARI nang arestuhin ng mga pulis ang mga marahas na lumalabag sa health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa panayam ng Sonshine Radio.
“Usually warning lang po, at tsaka siguro meron po tayong LGU ordinances, pwede po silang patawan ng pagmumulta”.
Ani Gen. Usana, maaaring makasuhan ang mga may paglabag ng disobedience or assault against persons in authority.
“Pero pag merong mga crimes that are punishable under ‘The Revised Penal Code’ (ACT NO. 3815), siguro ah hindi naman po maikakaila sa mga pulis natin na magbibigay din ng karampatang aksyon, dun po sa ganitong gawi ng ilan sa ating mamamayan”.
Matatandaang, inihayag kamakailan ni PNP Chief Police Gen. Debold Sinas na walang arestong nangyayari sa mga marahas na lumalabag sa health protocols.