NATAGPUAN na ng Remotely Operated Vehicle (ROV) ang lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ibinahagi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa kaniyang Facebook Page ang larawan ng oil tanker na kuha ng ROV.
Matatandaan na dumating ang Japanese vessel lulan ang ROV sa Calapan Port nitong Lunes ng umaga.
Pagbabahagi ni Governor Dolor na tatagal pa ng tatlong araw ang asessment upang malaman ang kabuang sitwasyon ng MT Princess Empress.