Lungsod ng Davao, kinilalang pangawalang pinakamalinis na lungsod sa Southeast Asia

Lungsod ng Davao, kinilalang pangawalang pinakamalinis na lungsod sa Southeast Asia

ANG Lungsod ng Davao ay kinikilalang huwaran ng kalinisan, kaayusan, at kaaya-ayang pamumuhay—hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Timog-Silangang Asya.

Kamakailan, kinilala ang Davao City bilang pangalawang pinakamalinis na lungsod sa Southeast Asia batay sa 2024 Mid-Year Numbeo Pollution Index rankings.

Pagiging huwaran ng Davao City bunsod umano ng disiplina at pagkakaisa ng mga mamamayan

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga Dabawenyo na isinabuhay ang prinsipyong “Basta Dabawenyo, DCplinado.” Ang prinsipyong ito ay nagtataguyod ng kultura ng pananagutan, disiplina, at malasakit sa kalikasan.

Sa barangay Daliao at Lizada sa Toril, Davao City, ipinagmamalaki ng mga namumuno dito ang masigasig na partisipasyon ng kanilang mga nasasasakupan pagdating sa solid waste management at maging sa iba’t ibang inisyatibo ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

Dahil sa parehong binabaha at may mga catch-basin sa kanilang mga barangay, naging isang mahalagang hakbang ang pagtutulungan ng mga residente dito sa paglilinis ng kapaligiran.

Sa kabila ng masigasig na pagsisikap ng mga residente ng Brgy. Daliao at Lizada na mapanatiling malinis ang kanilang kapaligiran, hindi pa rin maiiwasan ang pagdagsa ng basura.

Ayon sa kanila, madalas na ang mga basurang dumadating sa kanilang mga barangay, partikular na sa mga dalampasigan, ay mula sa ibang mga lugar.

“Actually, kahit sabihin ko na regular ‘yung paglinis ko sa coastal line. Sa totoo lang hindi galing sa amin ang basura na– that is why educating our people, the people of other barangay. Talagang tutukan. Disiplina lang kasi ‘yan.”

“That’s one way of helping our barangay, strengthened our campaign to clean our coastal, so thankful kaayo ko sa SMNI and of course with the leadership of Pastor Apollo Quiboloy for choosing our barangay, Barangay Daliao, so nagkapartner of your program sa paglinis ng coastal,” saad ni Brgy. Capt. Joseph Dumogho, Daliao, Toril, Davao City.

Ang mga inisyatibong pangkalikasan na gaya ng pinangungunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na Kalinisan: Tatag ng Bayan nationwide coastal cleanups, ay nagpapaalala na ang kalinisan ay hindi lamang isang layunin kundi isang patuloy na responsibilidad.

Ang pagkilala sa Davao City ay sumasalamin sa disiplina ng mga Davaoeño, ngunit ang pagpapanatili ng ganitong estado ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na aksiyon at pakikiisa ng komunidad.

Dabawenyong si Pastor Apollo C. Quiboloy, patuloy sa pagsusulong ng pagkakaisa at pangangalaga sa kalikasan

At isa sa mga nagbibigay tagumpay na ito ay ang mga inisyatibo at kampanyang gaya nito na hindi lamang nakatuon sa kalinisan ng kapaligiran kundi pati na rin sa pagtaguyod ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa kalikasan ng bawat Pilipino, sa pangunguna ng isang proud Dabawenyo, na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble