Lungsod ng Maynila, ikinababahala ang pagkapuno ng mga ospital dahil sa COVID-19

Lungsod ng Maynila, ikinababahala ang pagkapuno ng mga ospital dahil sa COVID-19

AMINADO si Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na napupuno na ang mga ospital sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa alkalde umabot na sa 85% ang nilalaman ng mga pasyente sa mga ospital na pag-aari ng Lungsod ng Maynila.

Dahil dito, nakahanda na rin ang lungsod para sa mahigit 40, 000 rooms na maaaring paglalagyan ng mga asymptomatic o may mga nakararanas  ng sintomas ng sakit  sa lungsod.

Ayon kay Isko Moreno, ang nasabing bilang ng mga pinaghahandaang pasilidad ay kung makararanas na ng masamang sitwasyon ang siyudad  dahil sa COVID-19 pandemic.

Ani pa ni Mayor Isko ang magandang balita lamang ay hindi pa napupuno ang mga quarantine facility na ginawa ng Manila LGU.

Aniya, patuloy pa rin ang plano na magdagdag ng mga quarantine facility sa siyudad habang patuloy ang pakikipalaban sa pandemya.

Ang nasabing pahayag ni Isko ay kasunod sa pag-lunsad ng ikalabing tatlong quarantine facility ng Manila LGU sa Manuel L.Quezon University sa may Quiapo, Manila.


Sa bilang na ito ay umabot na sa 600 bed capacity ang Lungsod ng Maynila.

Ang pagdagdag ng quarantine facility ng lokal ng pamahalaan ay dahil na rin sa nababahala ang lungsod sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa siyudad.

Bukod sa pagdagdag ng quarantine facility, nasa mahigit 19 ,000 na katao ang sumailalim sa drive thru, walk in ,at saturation drive COVID- 19 test gamit ang anti-body o serology test.


Sinang-ayunan naman ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer and Testing Czar Secretary Vince Dizon na ang serology test ay mas accurate sa rapid test.

Samantala, ibinunyag ni Secretary Dizon na umakyat na sa 30, 000 hanggang 35,000 ang COVID- 19 testing capacity ng Pilipinas bawat araw.

Kung saan aniya naitalang may mataas ng COVID-19 testing capacity ang Pilipinas sa buong Asya.

Kasalukuyang hinaharap ng bansa ang malaking hamon dahil sa kakulangan ng health care workers maging ng mga laboratoryo sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.