MAS mahigpit na health protocol ipapatupad sa 2 yugto ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa lungsod ng Tuguegarao.
Simula ngayong araw ang muling pagsasailalim ng lungsod ng Tuguegarao sa MECQ na tatagal ng hanggang katapusan ng buwan ng Abril.
Ito ay matapos na maaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano na i-extend ang MECQ status ng syudad.
Ayon kay Mayor Soriano, mas mahigpit na protocols ang ipapatupad sa 2 yugto ng MECQ ngayong Abril.
Kaugnay na rin ito sa pakiusap ni Gov. Manuel Mamba kay Soriano na resolbahin sa lalong madaling panahon ang lumalaking bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod na karamihan ay naka-home quarantine.
Ani Mamba, maituturing na salarin sa pagdami ng kaso ang mga naka home quarantine na positbo sa virus dahil hindi 100% na walang mahahawaan ang mga ito kumpara kung sila ay nasa isolation unit.
Dagdag pa ng gobernador, huwag gawing rason ang national sa pagluwag ng travel restriction at hindi pag accredited ng PhilHealth sa mga Brgy. isolation unit dahil mas kinakailangang mailigtas ang publiko.
Base sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ng Pho Cagayan, aabot sa 959 katao ang nagpositibo sa COVID-19 at 713 dito ang kasalukuyang naka-home quarantine.
(BASAHIN: Enhanced Community Quarantine sa Tuguegarao City, pinalawig pa)