Luntiang kabundukan maaasahan sa mga kamay ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Luntiang kabundukan maaasahan sa mga kamay ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SA kabila ng kagandahang makikita sa bulubundukin na sakop ng Sierra Madre sa Brgy. Don Faustino, Diffun Quirino, nakakalungkot na unti-unti na itong nakakalbo dahil sa mga hindi mapigilang kalamidad dulo’t ng climate change.

Ngunit dahil sa inisyatiba ng tumatakbong senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy na Sonshine Philippines Movement (SPM), may pag-asang maibalik ang dating ganda ng mga bulubunduking ito.

Sa ilalim ng ‘One Tree, One Nation’ Initiative ni Pastor Apollo, sinimulan ng mga volunteer ng SPM, KOJC, kasama ang ilang mga sektor/grupo katulad ng 86IB ng 5ID Philippine Army, kapulisan, DENR at iba pang mga organisasyon sa bayan ng Diffun ang pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong bahagi ng nasabing bundok ng Sierra Madre.

Taong 2005 nang itinatag ni Pastor Apollo ang SPM, isang organisasyon na nakatutok sa pangangalaga sa kalikasan. At mula noon hanggang ngayon at maging sa susunod pa na mga taon ay magpapatuloy ito dahil hindi titigil si Pastor Apollo na alagaan ang ating kalikasan hanggang maibalik ito sa dating ganda.

Maaaring hindi ito maibalik agad-agad ngunit tiyak na sa paglipas ng panahon sa patuloy na pagtatanim ng mga puno ngayon, muling masisilayan at mararanasan ng susunod na henerasyon ang isang luntiang kabundukan.

 

#OneTreeOneNation

#PastorApolloParaSaKalikasan

#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble