Luzon at Visayas grid, ilalagay sa Red Alert—NGCP

Luzon at Visayas grid, ilalagay sa Red Alert—NGCP

ILALAGAY ngayong araw, Abril 24, 2024 sa Red Alert ang Luzon at Visayas grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito ay dahil sa manipis na reserbang kuryente ngayong araw.

Ayon sa NGCP, ang Red Alert sa Luzon ay nakataas mula 3pm-4pm at Yellow Alert naman mula 1pm-3pm at 4pm–10pm.

Sinabi pa ng NGCP na ang available capacity nasa 12,241 megawatts habang nasa 13,463 megawatts ang peak demand.

Magsisimula naman ang Red Alert status sa Visayas grid mula 12pm-5pm at 6pm-8pm.

Ang Visayas grid ay may available capacity na 2,462MW at ang peak demand ay 2,525MW.

Maliban dito ay inilagay naman sa Yellow Alert ang Mindanao grid mula kaninang 10am-4pm.

Ang rehiyon ay may available capacity na 2,761 megawatts habang ang peal demand ay 2,624 megawatts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble