Luzon at Visayas grid, nananatiling manipis ang suplay ng kuryente—NGCP

Luzon at Visayas grid, nananatiling manipis ang suplay ng kuryente—NGCP

SA ikatlong sunod na linggo ay nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Mula sa higit 14,900 megawatts na available capacity, nasa higit 13,800 ang inaasahang peak demand.

Dahil dito, nasa higit 1,000 megawatts lamang ang operating margin sa naturang grid kung kaya’t muli itong isinailalim sa Yellow Alert.

Sa inilabas ng NGCP nitong Lunes, Abril 29, nagsimulang umiral ang Yellow Alert mula 2:00 hanggang 5:00 ng hapon at muli itong umiral ng 6:00 hanggang 9:00 kagabi.

Sa ngayon, 20 planta ng kuryente ang naka-forced outage habang isa ang naka-derated capacity.

Habang sa Visayas grid, nagsimulang umiral ang Yellow Alert ng 1:00 hanggang 4:00 ng hapon at 6:00 hanggang 8:00 ng gabi.

Nasa higit 200 megawatts naman ang operating margin ng Visayas grid.

Ayon sa NGCP, ang muling pagtataas ng Yellow Alert ay dahil na rin sa inaasahang pagtaas ng demand sa suplay ng kuryente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble