Luzon grid, inaasahang isasailalim sa yellow alert status ng 12 beses ngayong taon

Luzon grid, inaasahang isasailalim sa yellow alert status ng 12 beses ngayong taon

INAASAHANG isasailalim sa yellow alert status ang Luzon grid ng mahigit 10 beses ngayong taon.

Ito ay dahil tinatayang tataas ang peak demand sa Luzon grid.

Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, bagama’t hindi inaasahang maisasailalim sa red alert status ang Luzon grid ngayong taon ay inaasahan naman na mailalagay ito sa yellow alert ng 12 beses.

Posibleng ipatupad aniya ang yellow alert status sa ika-11 week ng taon sa Marso, weeks 13 at 27 sa Abril, lahat ng Linggo ng Mayo, weeks 22 at 23 sa Hunyo, week 35 sa Setyembre, week 42 sa Oktubre at week 47 sa Nobyembre.

Sinabi ni Guevarra na hindi sana mangyayari ang kasalukuyang projection kung natapos sa tamang oras ang ongoing renewable energy projects na naantala dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI News on Twitter