Luzon grid, muling isinailalim sa yellow alert ngayong araw

Luzon grid, muling isinailalim sa yellow alert ngayong araw

MULING nagtaas ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon grid.

Ito ay bunsod ng manipis na reserba ng kuryente sa Luzon ngayong araw dahil sa forced outage ng 6 na planta.

Sa abiso ng NGCP, ang yellow alert ay nagsimulang umiral kaninang 10 am-11 am.

Muli itong iiral ng 12 nn-4 pm.

Sinabi ng NGCP na nasa 11,274 megawatts ang operating requirement ngunit nasa 12,008 megawatts na lamang ang available capacity habang ang net operating margin ay nasa 369 megawatts.

Dagdag pa ng ahensya, nasa 1,592 megawatts ang kabuuang unplanned unavailable energy sa Luzon grid.

 

Follow SMNI News on Twitter