Luzon power grid, posibleng itaas sa ‘Yellow Alert’ sa susunod na mga buwan

Luzon power grid, posibleng itaas sa ‘Yellow Alert’ sa susunod na mga buwan

SA kabila ng kasapatan ng suplay ng kuryente sa mga susunod na buwan, nagpaalala naman ang Department of Energy (DOE) na posibleng itaas sa ‘Yellow Alert’ warning ang power grid sa Luzon.

Ito’y dahil sa epekto ng El Niño sa mga hydropower plants.

Sa inilabas na pahayag ng DOE, posibleng mangyari ito sa Luzon sa buwan ng Abril at Mayo.

Tiniyak naman ng DOE na mananatili sa normal reserve level ang mga grid sa Visayas at Mindanao sa ikalawang quarter ng taon.

Matatandaan na noong Marso 22 ay idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsimula na ang dry season sa bansa.

Ang dry season ay panahon kung saan kakaunti o hindi magkaroon ng pag-uulan.

Ito’y karaniwang tumatagal ng ilang buwan kung saan nangyayari ito mula Nobyembre hanggang Mayo kung saan ang panahon ay kadalasang mainit at tuyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble