Maaasahang linya ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad, isusulong ng PNP

Maaasahang linya ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad, isusulong ng PNP

NAGHAHANAP ng paraan ang Philippine National Police (PNP) upang makapagtatag ng isang maaasahang sistema ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Police Major General Valeriano de Leon, director ng Directorate for Information and Communication Technology and Management (DICTM), mahalaga ito upang mabilis na maiparating ang mga kinakailangang impormasyon mula sa National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City pababa sa mga istasyon ng pulisya.

Batay aniya sa karanasan, kadalasang naaantala ang pagbibigay ng tulong kapag nasisira ang linya ng komunikasyon mula sa telco.

Sinabi ni De Leon na ang pagkakaroon ng maaasahang linya ng komunikasyon ay naaayon sa programang M+K+K=K ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.

Mahalaga aniya ito hindi lamang sa pagtugon sa kalamidad kundi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter