MMDA, maagang nag-abiso ng weekend road reblocking at repair ng DPWH

MMDA, maagang nag-abiso ng weekend road reblocking at repair ng DPWH

MAAGANG nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isasagawang road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa EDSA at C-5 ngayong weekend.

Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang pagsasaayos alas 11 ng gabi ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 9 hanggang alas 5 ng umaga sa Lunes, Hulyo 12.

Narito ang mga apektadong kalsada:

EDSA Caloocan-k0010+(-942)-k0010+666
C-5 Road Katipunan – B. Serrano Tunnel (3rd lane mula sidewalk)
C-5 Road before Rajah Matanda (3rd lane mula sidewalk)

Inaabisuhan naman ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta para iwas abala.

 

SMNI NEWS