SI Nanay Shirly Gonzales, na isa sa caretaker at residente ng Baseco sa Maynila, ikinuwento niyang mag-isa na lang siya sa buhay.
Bukod sa paglilinis sa baybayin ng Baseco ay pangangalakal at pagbabalat ng bawang at sibuyas ang kaniyang pinagkikitaan.
Siya’y nagsusumikap nang maigi upang mairaos ang buhay mula sa hamon na kinakaharap sa bawat araw.
Sa ginanap na Nationwide Cleanliness Drive, na inisyatiba ng senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy, isa ang Baseco Beach sa Maynila ang napiling pagdarausan ng naturang aktibidad.
Pero bukod sa paglilinis, hindi rin kinalimutan ni Pastor Apollo ang ilan sa ating kababayan na lubos na nangangailangan doon sa Baseco.
“Ito po ay handog Pamasko sa lahat ng mga iilang napili dito sa Baseco mula ito kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Bukod sa naglinis po tayo ng inyong lugar dito at gusto natin na kayo ay manatiling malinis at maayos.”
“Gusto din ni Pastor, makapaghandog din siya ng mga Pamaskong handog lalo na nalalapit ang December,” pahayag ni Med Sangkula, Coordinator, SPM-NCR.
Isa si Nanay Shirly Gonzales, na tumanggap ng maagang Pamasko mula sa Butihing Pastor.
Naging emosyonal si Nanay Shirly nang iniabot sa kaniya ang Noche Buena gift pack mula kay Pastor Apollo.
Sabi nito, “first time” niyang makatanggap ng regalo.
“First time ko pong nakatanggap. Malaking tulong po ito sa amin Pastor Quiboloy. Maraming marami pong Salamat,” ayon kay Shirly Gonzales, Benepisyaryo,
May mensahe naman si Nanay Shirly para kay Pastor Apollo.
“Pastor, magpakatatag ka, kumapit ka sa kanya, tulungan ka po Niya, nang malutas mo po ang problema mo. Huwag kang maniniwala sa mga sinasabi nila. Hindi po totoo iyan. Magpakatatag po kayo, yun lang po. Maraming salamat po,” dagdag ni Nanay Shirly.
Bukod kay Nanay Shirly, kasama rin sa tumanggap ng gift pack sina Nanay Daisy Cristo at Mang Ignacio Rogelio Magallon na parehong matagal nang naninirahan malapit sa baybayin ng Baseco.
Si Nanay Daisy, ay lubos ang pasasalamat kay Pastor Apollo sa maagang pa-Noche Buena.
Kasabay nito’y kanyang ikinuwento ang pagbabanat ng buto para lamang may makain habang mag-isang tinataguyod ang kaniyang dalawang anak.
“Ako po pag nabagyo nangangalakal talaga ako. ‘Pag wala nagbabalat ng bawang, pinagtiyagaan namin ‘yung tag 90 ang kilo. Ngayong ‘pag walang-wala talaga, nangangalakal lang, kasi mahirap naman pag wala kang ma anuhan para makakain,” wika ni Daisy Cristo, Benepisyaryo.
Si Mang Ignacio naman, ay may isang anak ngunit pinatigil na muna ito ng pag-aaral dahil sa hindi na sapat ang kaniyang kinikita sa araw-araw.
Laking-pasasalamat din niya sa regalong natanggap mula kay Pastor Apollo.
Bukod pa rito, buong galak din ang kaniyang naramdaman na nagkaroon ng clean-up drive activity sa Baseco.
“Maraming salamat po, Maraming tinulungan mo sa buong mundo kahit saang lugar iyan.”
“Maraming nang nasuong kong kahirapan, ikaw lang ang nakatulong sa Baseco na ganyan nangyayari, paglilinis sa Baseco, Malaking bagay ‘yan,” saad ni Ignacio Rogelio Magallon, Benepisyaryo
“Salamat sa ibinigay nyong regalo sa amin para sa Paskong ito. Sana po hindi lang kami ang matulungan ninyo. maraming maraming salamat po Pastor Quiboloy,” pasasalamat naman ni nanay Shirly.
“Maraming salamat po sa regalo sa amin ni Pastor Quiboloy. Nagpasalamat po ako sa malaking tulong na ibinigay sa amin na taga-Baseco,” pasasalamat naman ni Ate Daisy.
Sina nanay Shirly, Aling Daisy at Mang Ignacio, ay kasama rin sa nakilahok sa Nationwide Cleanliness Drive na inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na may temang “KALINISAN TATAG NG BAYAN.”
Isa ito sa environmental initiative ng Sonshine Philippines Movement (SPM)—na itinatag ni Pastor Apollo noong 2005 na pangunahing adbokasiya ang pangangalaga sa ating kalikasan.
Tunay ngang ang malinis na kapaligiran ay pundasyon ng isang matatag at nagkakaisang komunidad. At ang lakas ng isang komunidad ay nakasalalay sa diwa ng bayanihan, kung saan ang bawat isa ay nag-ambag ng kanilang oras, panahon at pagsisikap upang ipakita ang pagmamahal sa kalikasan, na isa sa adbokasiya ni Pastor Apollo.
Ang kapaligiran ay may mahalagang papel sa isang malusog na pamumuhay at para maka-survive sa planetang ito.
Tahanan ito ng iba’t ibang buhay na organismo at lahat tayo ay umaasa sa kapaligiran para sa pagkain, hangin, tubig, at iba pang mga pangangailangan.
Samakatuwid, kinakailangan na bawat isa sa atin ay pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran.
Una nang sinabi ni Pastor na ang ‘kalinisan’ ay susi ng katagumpayan.”
Hindi hadlang para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang kaniyang sitwasyon ngayon, para ipagpatuloy ang matagal na niyang nasimulan na adhikain sa pagbibigay-tulong sa mga nangangailangan.
Hindi lamang sa aspeto ng pang-kalikasan, kundi pati na rin sa iba’t ibang larangan.
Kaya naman, sa kabila ng mga persekusyon, nananatili siyang matatag at hindi titigil sa pagtulong hangga’t kanyang makakaya.