Maagang panunumpa ni VP-elect Sara Duterte, hindi labag sa batas

Maagang panunumpa ni VP-elect Sara Duterte, hindi labag sa batas

NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na walang problemang legal kahit na maagang nanumpa sa tungkulin si Vice President-elect Sara Duterte at ito aniya ay maaari ding gawin ng sinumang nanalong kandidato.

Ipinaliwanag ni COMELEC spokesman Atty. John Rex Laudiangco na ang termino kasi ni Inday Sara, maging ang lahat ng mga nanalo noong nagdaang eleksyon ay magsisimula pa lamang sa alas-dose ng tanghali sa Hunyo 30.

Magkahiwalay at magkaiba aniya ang usapin sa isyu ng panunumpa at panunungkulan.

Dahil diyan ay nilinaw rin ng COMELEC na hindi pa naman aniya maaaring umupo bilang pangalawang pangulo ng bansa si Inday Sara kaya hindi rin masasabing nagkasabay o naging dalawa ang kasalukuyang bise presidente.

 

BASAHIN: VP-Elect Sara Duterte, opisyal nang nagpaalam sa Davao City Government

 

Follow SMNI News on Twitter