Maayos na paglipat ng kapangyarihan, nasaksihan sa inagurasyon ni PBBM – Pastor Apollo C. Quiboloy

Maayos na paglipat ng kapangyarihan, nasaksihan sa inagurasyon ni PBBM – Pastor Apollo C. Quiboloy

MAAYOS ang naging paglipat ng kapangyarihan sa ginanap na inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ayon kay SMNI Honorary Chairman Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy.

“It was an orderly transfer of power and we showed to the world, we are a matured democracy. And BBM’s speech was excellent, very beautiful, very promising,” ayon kay SMNI Honorary Chairman Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ganito inilarawan ni Pastor Apollo ang naging mensahe ng inagurasyon ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas na isinagawa kahapon, Hunyo 30 sa National Museum.

Pinuri din ng butihing Pastor ang naging laman ng talumpati ni President BBM na sumentro sa food security at unity ng bansa.

“Food security. He emphasized food sufficiency which is the utmost important need of any society and also the positivity of his message to unite in one common goal, one dream, one aspiration, and when he said we are ONE REPUBLIC and INDIVISIBLE  – and that is very beautiful!” dagdag ni Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, nakikita niya rin na sisimulan agad ng bagong administrasyon ang kanilang trabahong tugunan agad ang mga malalaking problema ng bansa.

“They will the ground running and that he will spare no effort or energy to begin the work right away and do whatever it is needed to be done right away under his watch,” ayon sa butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Twitter