INATASAN na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lahat ng mga opisyal na nagpapatakbo ng mga prison at penal farms sa buong bansa na siguruhing mayroong maayos na suplay ng tubig ang mga persons deprived of liberty (PDLs).
Ipinaliwanag ni BuCor Director General, Gregorio Catapang Jr. na ito ay para maiwasan ang dehydration o labis na pagkauhaw ng mga bilanggo, dulot ng nararanasan ngayong sobrang init ng panahon.
Ang pag-inom aniya ng maraming tubig at regular na pagligo ang pinakamainam na panlaban sa napakainit na panahon.
Bukod sa isyu ng water supply ay inatasan din ang Health and Welfare Services ng New Bilibid Prison Hospital na gawing regular ang pag-check sa kalagayan ng mga PDL.