Maayos sa pagseserbisyo sa bayan, ipinaalala sa mga miyembro ng JTF-NCR

Maayos sa pagseserbisyo sa bayan, ipinaalala sa mga miyembro ng JTF-NCR

BINISITA ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Andres Centino ang tropa ng Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR).

Mainit siyang tinanggap ni JTF-NCR commander Brigadier General Alexei Musñgi at iba pang opisyal.

Sa kaniyang Talk to Troops, pinayuhan niya ang mga miyembro ng JTF-NCR na mahalin ang kanilang trabaho at pagseserbisyo sa bayan.

Pinuri din nito ang mga sundalo sa kanilang pagsisikap na magampanan ang kanilang mandato lalo’t mahalaga sila sa panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter