Mababang bilang ng mga nagparehistro para sa COVID-19 vaccine sa Pateros, ikinababahala

SA kabila ng panawagan ni  Mayor Ike Ponce sa mga residente ng bayan ng Pateros ng magparehistro na para sa COVID-19 vaccine ay nilinaw ng alkalde na walang dapat ikatakot na magparehistro ang mga taga-Pateros.

Giit ni Mayor Ponce, hindi ibig sabihin na kapag ang isang indibidwal ay nakapagrehistro na para sa  COVID -19 vaccines ay mababakunahan na.

Sa halip dadaan muna sa evaluation ang sinumang  magpaparehistro sa bakuna kontra COVID-19.

Pero giit ng alkalde kailangan pa rin malaman ng lokal ng pamahalaan ang numero at kung sino sino ang dapat na mababakunahan.

Aminado si Ponce na naninigurado lamang ang ito na hindi masasayang ang pondo ng Pateros LGU sa inilaang budget para sa bakuna.

Kaya naging matagal ang desisyon ng bayan ng Pateros ng mag-order ng COVID -19 vaccines.

Ang Pateros din kasi ang may pinakamaliit na populasyon sa Kalakhang Maynila kayat maliit lamang din ang pondong inilaan para sa naturang bakuna.

Sa pag aaral ng national government dapat may 60% na populasyon ang mababakunahan sa bawat bayan o siyudad.

Tinatayang nasa 80,000 lamang ang populasyon sa bayan ng Pateros.

Kayat pinapangambahan ng alkalde na malayo pa sa 60% ng kanilang populasyon o 48,000 ang nakapagrehistro sa libreng iniaalok na COVID -19 sa bayan ng Pateros.

Sa ngayon, may higit 1,400 pa lamang ang nakapagrehistro.

Dahil dito muling hinihikayat ng alkalde ang mga residente ng Pateros pagrerehistro online para sa COVID -19 vaccines.

Nasa P20 milyon ang budget ang inilaan ng bayan ng Pateros para sa bakuna laban sa COVID-19 ng kanilang lungsod at mayroon namang tatlong malalaking kompanya ang nakatakdang mag-donate sa ng bakuna sa kanilang lugar.

Sa ngayon ay tumanggi munang ihayag ni Mayor Ike kung anong mga pharmaceutical companies ang bibilhan nila ng bakuna.

SMNI NEWS