Mababang fatality rate, patunay sa magandang COVID-19 response ng pamahalaan

PINURI ng World Health Organization (WHO) ang mababang fatality rate ng Pilipinas na patunay sa magandang pagresponde ng gobyerno sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan sinabi aniya ni WHO Country Representative Rabrinda Abeyasinghe na naipatupad nang maayos ang lockdown at ilan pang health protocols sa mga lugar sa bansa.

At dahil dito, naiwasan ang pagkatala ng mataas na bilang ng mga namatay dahil sa virus, sabi ni roque.

Kaugnay nito, pinasaringan ng palasyo ang mga kritiko na bumabatikos sa pandemic response ng pamahalaan.

Giit ni roque, hindi propaganda ang mga iniuulat ng gobyerno at patunay nga rito ang obserbasyon at pahayag ng who.

Una nang sinagot ng palace spokesman ang pahayag ni vice president leni robredo na nagsabing dapat tugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng publiko, imbis ang umano’y mga propaganda.

Nitong enero, lumabas sa pag-aaral ng australian-based research firm na lowy institute, na ika-79 ang pilipinas mula sa 98 bansa pagdating sa covid 19 response.

Base naman sa london-based na economist intelligence unit, sa taong 2023 pa mababakunahan ng bansa ang 60% ng populasyon.

SMNI NEWS