ISINUSULONG ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magkaroon ng murang gamot para sa mga matatanda.
Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, kabilang sa maaaring gawin ay ang hindi pagpataw ng buwis o value-added tax sa iilang gamot.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng Create Act o Republic Act 11534.
Sa ilalim ng naturang batas, hindi kukuhanan ng VAT ang mga gamot para sa hypertension, kanser, sakit sa pag-iisip, tuberkulosis, mga sakit sa kidney, diabetes, at mataas na cholesterol.
Kasama rito ang mga gamot at serbisyo para sa paggamot sa sakit dulot ng COVID-19.
Tiniyak din ni Zacate, kapag maglabas na ng direktiba ang BIR ay awtomatikong magiging VAT-exempted na ang mga natukoy na gamot.