INIHAYAG ng tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP) Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na simula 2021 nang pumasok ang COVID-19 sa bansa, wala silang naitala na insidente ng sunog sa usapin ng fire cracker.
Aniya, malaking tulong din ang ginawang efforts ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila.
Gayunman, ani Carbajal-Atienza nitong pumasok na ang 2022, unti-unti nang bumabalik sa normal kung saan naitala ang 24 fire incidents pagpasok ng 2022.
“However sa NCR, January 1 to March 1, 2022 nagkaroon na po tayo ng 364 fire incidents compared last year 2021 is 502. So sa NCR po ay patuloy pa rin ang negative decrease natin ng fire incidents sa mga previous years,” pahayag ni Carbajal-Atienza.
Bagama’t bumaba nga ang fire incidents sa Metro Manila, ngunit tumaas naman ang bilang ng sunog sa buong bansa.
Sa pinakahuling datos ng BFP, simula Enero 1 hanggang Marso 1 pumalo sa 2,103 o 12.9 ang naitalang sunog, mataas ito kung ikukumpara noong nakaraang taon na nasa 1,863 lamang.
Ibinahagi naman ng ahensya ang iba’t ibang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng kaso ng sunog.
“Theres a big contribution ang pagkakaroon natin ng lockdown especially yung mga offices natin, factories, production kasi total lockdown tayo at that time kaya nakatulong din yun sa pagbaba ng fire incidents natin. If we noted yung mga insidente na yun though mababa, majority residential cause by unattended cooking. So, obviously those people ay nasa bahay dahil nga sa lockdown ay nagluluto at medyo at nababad yata sa social media so kung ano po ang pinagkakaabalahan, kaya nakakaligtaan yung mga nakasalang na niluluto at yun po ang lumabas sa ating datos nung panahon ng 2020 towards 2021,” pahayag ni Carbajal-Atienza.
Matatandaang, isa sa mga malaking sunog na naitala ng BFP ay ang isang kilalang mall sa Alabang, Muntinlupa.
At kamakailan din nang masunog ang Russian Embassy sa isang high end subdivision sa Makati.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang pagpapalaganap at pag increase ng awareness ng BFP sa mga company at sa mga residential area.
Ang pahayag na ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ng ahensya.