Mababang presyo ng bigas, lubos na mararamdaman sa Enero 2025

Mababang presyo ng bigas, lubos na mararamdaman sa Enero 2025

ENERO 2025 pa lubos na mararamdaman ng publiko ang mababang presyo ng bigas dahil sa tariff reduction sa mga imported na bigas.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), bago ang Enero 2025 ay inisyal namang mararamdaman ang epekto nito ngayong Oktubre.

Matatandaang mula sa 35% ay nagiging 15% na lang ang taripa sa imported na bigas kung kaya’t mas dumarami na ang dumating nito sa bansa.

Sa ngayon, nananatili pang nasa P50/K ang halaga ng locally-produced at imported rice sa ilang mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila.

Ngunit sabi nga ng DA, magsisimula na ang pagbaba ng presyo nito sa susunod na buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble