Mababang resulta sa isang global exam, inaasahan ng DepEd

Mababang resulta sa isang global exam, inaasahan ng DepEd

INAASAHAN ng Department of Education (DepEd) na maaaring hindi maganda ang resulta ngayon ng Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA).

Naka-dalawang pasulit na ang Pilipinas subalit pareho lang ang resulta at malaki ang tsansa na walang mababago dito ayon kay DepEd Sec at Vice President Sara Duterte dahil pareho lang ang estilo ng educational system ng bansa sa nakalipas na mga taon.

Sa ngayon, sinabi ni VP Sara na pinatitibay na nila ang educational system ng bansa at kasama na rito ang muling pagpatutupad ng matatag K-to-10 curriculum.

Layunin nito ang maluwagan ang kasalukuyang curriculum ng mga bata at matututukan ang foundation skills.

May ipatutupad din na “catch-up Fridays” sa 2024 kung saan maaaring humabol ang mga kabataan sa kanilang mga aralin.

Pinuri ni House Committee on Basic Education and Culture Committee Chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo ang konsepto na “Catch-up Fridays”.

Sa susunod na PISA assessment sa 2025, sinabi ni Romulo na mai-focus na sa bagong curriculum at reading comprehension ang foundational skills ng mga mag-aaral.

Ang PISA ay ginagawa bawat tatlong taon.

Kalahok dito ang mga 15-taong gulang na mag-aaral at pinagbabatayan sa assessment ang performance nila sa mathematics, science at reading.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble