Mabilis na pag-apruba sa mga dayuhang manggagawa, makakatulong sa ekonomiya ng bansa –MEF

Mabilis na pag-apruba sa mga dayuhang manggagawa, makakatulong sa ekonomiya ng bansa –MEF

INIHAYAG ni Malaysian Employers Federation Pres. Datuk Dr. Syed Hussain Syed Husman na ang mabilis na pag-apruba ng mga dayuhang manggagawa ay magpapalakas sa productivity at Gross Domestic Product ng bansa.

Ito ay ang mga sektor sa ilalim ng Relaxation of Foreign Workers Recruitment Plan.

Ayon kay Datuk Syed Hussain, sa pamamagitan ng planong ito ay makakamit ang target na 4 – 5% na GDP growth sa taong 2023.

Aniya, ito ay tugon sa anunsyo ng Home Affairs Ministry na ang mga employer sa 7 sektor na nag-aplay para sa mga dayuhang manggagawa mula sa 15 bansa ay makakatanggap ng pag-apruba sa loob ng 3 araw.

Kabilang sa 15 bansa ay ang India, Thailand, Cambodia, Nepal, Myanmar, Laos, Pakistan, Vietnam, Sri Lanka, Bangladesh, Turkmenistan, Uzbekistan, Indonesia Kazakhstan at Pilipinas.

Ang mga sektor na nangangailangan ng mga dayuhang manggagawa na kinabibilangan ng service sector, o pangangailangan ng mga domestic workers, manufacturing sector, agriculture sector at construction sector.

Ang mga employer ay sasailalim sa section 60k ng Employment(Amendment) Act 2022 at kinakailangang sumunod sa minimum wage at Social Security Organisation contributions.

Follow SMNI NEWS in Twitter