Mabilis na proseso ng pagtatayo ng TELCO tower, tiniyak ng ARTA

Mabilis na proseso ng pagtatayo ng TELCO tower, tiniyak ng ARTA

NAGSAGAWA ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng kauna-unahang workshop para sa process mapping ng Telecommunication Company (TELCO) tower energization nitong Biyernes, Mayo 19.

Nagkakaisa ang mga kompanya sa layunin ng ARTA para mapabuti ang digitalization sa pag-proseso ng transaksiyon sa pamahalaan.

Isa sa mga paraan para mapalakas ang connectivity ng bansa ay ang pagtatayo pa ng dagdag na telecommunication tower sa Pilipinas.

Karamihan sa mga dumalo ng workshop ay mga Chief Executive Officers (CEOs) ng tower companies.

Anila, inaabot pa ng 200-250 araw para makakuha ng permit sa pagtatayo ng tower.

Kaugnay nito, naniniwala naman ang ARTA na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isang executive order na naglalayong i-institutionalized ang pagpapabilis ng proseso ng aplikasyon sa pagtatayo ng tower.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter