NIYANIG ng 5.1 na lindol ang General McArthur sa Eastern Samar nitong Martes ng umaga.
Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at ito ay may lalim na 57 km na nangyari bandang 1:10 am.
Ang epicenter ng lindol ay nasa 11.36°N, 125.55°E – 013 km N 08° E of General McArthur.
Naitala naman ang intensity V sa General McArthur, Hernani at Quinapondan, Eastern Samar; Pastrana, Palo at Tacloban City, Leyte.
Samantala, walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian ngunit asahan ang mga aftershock.