Mactan Cebu Int’l Airport magiging “Silent Airport” na!

Mactan Cebu Int’l Airport magiging “Silent Airport” na!

SINIMULAN na ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) ang implementasyon ng sistemang ‘Silent Airport’.

Tinatawag na ‘Silent Airport’ o tahimik na paliparan dahil inilalarawan nito ang minimal lamang o kumpletong kawalan ng ingay ng mga anunsiyo sa mga loudspeaker. Ang transisyon na ito ay idinisenyo upang mabawasan ang ingay.

Dahil dito ay limitado na ang kanilang mga anunsiyo sa mga emergency, tulad ng mga nawawala at natatagpuang mga bata sa airport.

Sa kasalukuyan, nasa initial phase ng transformation ang MCIA, ibig sabihin nito na dahan-dahan nang tinatanggal ang mga anunsiyo tulad ng boarding, pagkaantala ng flight, at ang pangkalahatang mensahe.

“Implementing a Silent Airport means that we have a lot of all the information needed are found on signages around the airport, and all of our LEDs which provide all of the informations.”

“It will make a better experience for everybody. It will not so be filled with irritating announcements. Having said that, it’s also a learning curved because we have to chain our passengers to be conscious of the time of their departure and to look at the different LED walls to see the status of their flights and whether boarding now or change gate,” pahayag ni Mr. Julius G. Neri Jr., CEO and General Manager, MCIAA.

Kabilang sa una nang naging ‘Silent Airport’ ang mga paliparan tulad ng Amsterdam Airport sa The Netherlands at Changi Airport sa Singapore.

“Well that is the trend around the world… Silent Airport.”

“So, we are working together for it. So, it’s just another thing in our quest to really become or to really maintain being a world class airport,” ayon pa kay Neri.

Tiniyak ng MCIA sa mga pasahero ang isang maayos na transition period hanggang sa masanay sila sa isang sistema kung saan lahat ng mga anunsiyo ay ganap na natatanggal.

Layunin ng MCIA na tiyakin ang paglalakbay at pagdating ng pasahero sa airport na umaayon sa mga pandaigdigang pamantayan.

Na nagbibigay inspirasyon sa mga dayuhang bisita upang piliin ang MCIA bilang kanilang gateway sa pagtuklas ng mga magagandang bagay sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter