NAKARARANAS ngayon ng matinding kagutuman ang mga tao sa Madagascar, ang ikalawang pinakamalaking bansang isla sa mundo.
Kasalukuyang nasa ‘catastrophic level’ na ang kagutuman at food insecurity sa Madagascar na pinalala pa ng halos apat na taong hindi pag-ulan.
Ayon sa United Nations, ang Madagascar ang pinakaunang bansa na nakararanas ng ‘climate change famine’.
Dahil dito, napilitang kumain ng mga insekto at dahon ng cactus ang mga residente.
Bukod dito, halos kalahating milyon na mga batang nasa 5-anyos pababa ang lubhang may malnutrisyon.